wandermom

No regrets. Just lessons learned.

90’s Baby March 16, 2011

Filed under: random — youngmomat23 @ 3:48 am

yeah amma proud 90’s baby…sorry if some of you guys won’t be able to relate. it’s in Filipino so there… to all the 90’s Pinoy babies. hahaha! 🙂 (This is a repost from FB http://definitelyfilipino.com/blog/index.php/archives/8036)

Ano ang naaalala mo sa Dekada NoBenta?
Isa ka ba sa mga oldies ngayon na pilit na binabalik-balikan ang mga masasaya, malulungkot, at malufet na mga pangyayaring nagbigay-kulay sa buhay nating mga Pinoy? Ang sumusunod na listahan (in no particular order) ay ilan lang sa mga na­gawan ko na ng entry sa aking blog na NOBENTA – REMINISCING THE 90′S. Maaari niyong i-click ang mga nasa tala upang mabasa ang mga kuwentong walang kuwenta.
Isa kang ganap na Batang Nineties kung:


1. nahilig ka sa World Wrestling Federation at napanod ang “Montreal Screw Job” sa pagitan nila Bret Hart at Shawn Michaels.
2. naadik ka at naubos ang oras mo sa paglalaro ng Brick Game.
3. kilala mo si Dino Ignacio na nagpasikat kay Bert ng Sesame Street in a very unique way.
4. naabutan mo ang “Lunch Date” at “SST” sa Siete kung kailan sikat na sikat si Randy Santiago.
5. nahilig ka sa mga kanta ni Andrew E. at pinilahan sa mga sinehan ang kanyang mga pelikula.
6. sinubaybayan mo ang mga turo ni Brod Pete sa Dating Doon na isang segment ng Bubble Gang.
7. nakita mo ang development ng sinaunang videoke hanggang sa maging hi-tech ito.
8. natatakot kang mamatay ang inaalagang tamagotchi.
9. nakapanood ka ng isa sa mga milyung-milyong massacre movies a.k.a. “pito-pito movies” ni Direk Carlo J. Caparas.
10. naniniwala kang nanganganak ang mga mababangong kisses at may taong-ahas sa Robinsons.
11. nakaboto ka sa SK Elections noong 1991.
12. nakita mo kung paano umusbong sa kahabaan ng EDSA ang Megamall, Galleria, at Shangri-La.
13. alam mo ang tsismis na kapag binaligtad ang kantang “Pare Ko” at “Banal na Aso, Santong Kabayo” ay may maririnig kang mga demonic messages.
14. alam mong nanalo ang presidenteng may malufet na carabao English.
15. isa ka sa mga nangarap na sana ay hindi kailanman ma-disband ang Eraser­heads
16. napanood mo ang concert na “MTV Alternative Nation Tour” sa Araneta kung saan tumugtog ang Foo Fighters, Beastie Boys, at Sonic Youth.
17. nagulat ka nang isang araw paggising mo ay ipinapalabas sa teevee na  tinitira ni Tito Sotto ang mga kantang “Alapaap”, “Laklak”, at “Elesi” dahil sa masamang mensahe daw nito sa mga kabataan.
18. araw-araw mong kasama sina Mario at Luigi sa Family Computer para sagipin ang princess.
19. may mga paborito kang kanta tulad ng “Cold Summer Nights”.
20. mahilig ka sa mga alternative bands na sumikat sa Tate.
21. mayroon kang mga cassette tapes na produced ng Tone Def Records.
22. nangarap kang sana ay magkaroon ng reunion concert ang Eheads matapos silang ma-disband.
23. kilala mo ang trio nila Mark, Eric at Jomari.
24. isa ka sa mga engot na akala ay nakakalasing ang Cali.
25. napanood mo ang first episode entitled “Rubber Shoes” ng MMK starring Romnic Sarmienta
26. isa kang pakanton na mahilig kang kumain ng Lucky Me! Instant Pancit Canton.
27. kilala mo ang sikat na pamilya ng Springfield.
28. natutuwa ka kahit naiirita sa tuwing naririnig si Punk Zappa.
29. alam mong hindi shawerma ang tawag sa shawarma.
30. isa ka sa mga kabataang gustong matuto ng pagtugtog ng gitara para maka­pagbuo ng sariling banda.
31. isa ka sa mga nakipila labas ng ABS-CBN para sumali sa “Pera o Bayong”.
32. inlababo ka kay Alicia Silverstone na bumida sa ilang music videos ng Aerosmith.
33. alam mong hindi original ng TGIS ang kantang “Dyslexic Heart” ni Paul Wester­berg.
34. kilala mo kung sino ang nagpasikat ng kantang “Multong Bakla”.
35. mahilig kang manood ng “Headbanger’s Ball” ng sinaunang MTV sa Channel 23.
36. ginagaya mo ang grunge fashion ng Nirvana at iba pang Seattle bands.
37. inaabangan mo kung ano ang mga bagong laruang ipapakita sa “Uncle Bob’s Lucky Seven Club”.
38. na-exercise ang fantasizing abilities mo sa tulong ni Xerex.
39. bilib ka sa 4-peat ng “Growling Tigers” kahit na ‘di ka taga-uste.
40. mayroon kang nakasukbit na beeper sa baywang mo.
41. naniniwala kang isang alamat ang kasaysayan ng Zagu.
42. alam mong “Kung walang knowledge, walang power”.
43. bumili kayo ng matinding antenna para makasagap ng sinaunang UHF Channel.
44. alam mong tugtugin sa gitara ang “Plush (kahit intro lang)” ng Stone Temple Pi­lots.
45. alam mo ang love story nina Kevin Arnolds at Winnie Cooper.
46. habit mo ang pagba-Batibot.
47. isa ka sa mga batang nangarap na sana ay kasing-bibo at kasing-cute mo si Macaulay Culkin noong totoy pa siya.
48. alam mo ang silbi ng Blue Magic at Gift Gate kapag Pasko at balentaympers.
49. nakikisawsaw ka sa usapan sa kung sino talaga ang pumatay sa mga Vizconde.
50. kilala ang babaeng pumutol ng kaligayahan ng kanyang asawa.
51. nabubwisit ka sa tuwing makakakita ng event na may “palooza” sa hulihan.
52. alam mong rip-off ang kantang “Stay” ng Cueshet mula sa “The Greatest View” ng Silverchair.
53. nagluksa ka ng mawala sa ere ang NU107.
54. naka-attend ka ng “grand eyeball” ng mga crossliners.
55. aliw na aliw ka sa pagmumukha ni Rene Requiestas.
56. naramdaman mo ang pagyanig ng Luzon noong July 16, 1990.
57. kilala mo ang tropa nila Guile, Ken, at Ryu.
58. nakikanta ka sa “Bed of Roses” ni bunjubi.
59. elibs ka sa galing ni “The Magician” sa paglalaro ng bilyar.
60. nanlumo ka sa mga ipinakitang bangkay na nasunog na Ozone Disco.
61. namimili ka sa kung ano ang panonoorin, “TGIS” o “Gimik”.
62. alam mo ang istorya ng “Take it, take it” sa MMFF Awards.
63. nalaman mong cool pala ang maging bobo nang makilala mo sina “Beavis and Butt-Head”.
64. alam mo ang ibig sabihin ng mga acronyms na “TF” at “ST” na isang genre ng pelikula.
65. nasaksihan mo ang hidwaan sa pagitan ng mga metal at mga hip-hoppers.

Advertisements
 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s